Isa-isang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Intelligence Division (ID) at Warrant and Subpoena Section (WSS) ang tatlong lalaki na sangkot sa iba’t ibang kaso sa magkakahiwalay na operasyon sa Valenzuela City.

Sa report ni Police Chief Inspector Rhoderick Juan, head ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), kinilala ang mga nasakote na sina James Caramat, 32, ng Block 3 Lot 4, Morning Ville, Canumay West; Allan Plumo, 22, Sitio Kabatuhan, Compound 3, Barangay Gen. T. De Leon; at Mark Anthony Morana, 24, ng No. 3 Sitio, Kabatuhan, Bgy. Gen. T. De Leon ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa Valenzuela Police, si Caramat ay No. 9 most wanted dahil sa kasong robbery habang si Plumo ay No. 2 most wanted sa kasong rape, at si Morana ay No. 5 most wanted sa kasong frustrated murder. (Orly L. Barcala)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20