KALIBO, Aklan- Dalawang binatilyong rider ang namatay matapos mag-counterflow sa Kalibo Bridge kamakailan.

Ayon kay Police Senior Inspector Keenan Ruiz, hepe ng Numancia PNP nasa teritoryo nila nangyari ang nasabing insidente dahilan para sila rumesponde.

Ang Kalibo bridge ay nasa boundary ng bayan ng Kalibo at Numancia PNP.

Kinilala ni Ruiz ang mga biktima na sina Reymar Leuterio, driver ng motorsiklo at ang kaangkas nitong 16 anyos na biktima.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon kay Ruiz, sa pag counterflow ng mga biktima may nakasalubong silang isang sasakyan dahilan para mawalan sila ng control at mabangga sa railing ng Kalibo Bridge.

Makikita sa video na halos mabitin ang nasabing motorsiklo sa Kalibo Bridge.

Ayon kay Ruiz, walang dapat panagutin sa nasabing insidente dahil lumalabas sa imbestigasyon na kasalanan ng driver ang nangyari. (Jun N. Aguirre)