NAALIW kami sa kuwento ng aming source tungkol sa aktres na hindi matandaan ang pangalan ng staff niya dahil papalit-palit at masuwerte na kung makatagal ng isa o dalawang buwan.
“Siyempre kung papalit-palit, matatandaan mo pa ba naman kaagad lalo na kung abala ka sa work mo at puyat ka pa?”
kuwento ng source. “Kaya lahat ng tawag niya sa staff niya, ‘ganda’ ‘pag babae. ‘Pag lalaki, ‘manong’. Walang first name.”
Tanong namin, bakit hindi nagtatagal ang staff ng aktres?
“Eh, kasi nga iba ugali, siguro pagod, hayun siyempre wala sa mood o ayaw nang naiistorbo. Ikaw din naman kapag pagod ka ayaw mo ng makulit o maingay, di ba?
“Ang isyu rito, walang first name basis ang tawag niya sa staff niya. Hindi naman maganda ‘yun, di ba?”
Sabagay, bata pa naman ang aktres kaya hindi puwedeng idahilan na makakalimutin na siya o may Alzheimer’s disease
Opps, hindi po taga-The Greatest Love ang aktres na binabanggit namin, huh! Kinaklaro lang namin. (Reggee Bonoan)