Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

2 n.h. -- St.Benilde vs Perpetual (m)

4 n.h. -- Arellano vs San Sebastian (w)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

SISIMULAN ng San Sebastian College ang kampanya na makumpleto ang season sweep sa pagsabak kontra Season 90 champion Arellano University sa pagsisimula ng best-of-3 finals series ngayon sa NCAA Season 92 women’s volleyball tournament sa San Juan Arena.

Winalis ng Lady Stags ni coach Roger Gorayeb ang elimination round para awtomatikong umusad ng finals habang dumaan pa sa stepladder semifinals ang Lady Chiefs kung saan tinalo nila at pinatalsik ang third seed College of St.Benilde para makamit ang huling final berth.

Umaasa si coach Obet Javier na makakabawi ang kanyang koponan sa pagkatalong nalasap sa Lady Stags sa elimination.

Para naman kay Gorayeb, inaasahan niyang naihanda niya ng husto ang Lady Stags para sa kinakailangan nitong lakas at katatagan.

“Kailangan lang mag-focus sila at kalimutan na ‘yung hindi magandang nangyari last year,” wika ni Gorayeb na tinutukoy ang naging kabiguan sa 4th seed Lady Blazers sa finals matapos direkta ding pumasok kasunod ng elimination round sweep.

Mauuna rito, tatangkain ng College of St.Benilde na pormal ng maiuwi ang korona kasunod ng tagumpay nila noong Game One. (Marivic Awitan)