CAMP MACABULOS, Tarlac City – Patuloy ang follow-up investigation ng Tarlac City Police sa ikaaaresto ng mga pumaslang kamakailan sa isang 24-anyos na lalaki sa barangay road ng Sitio Centro sa Barangay Tibag, Tarlac City.

Napag-alaman sa report ni PO3 Michael Ruiz na ang pinagbabaril ng riding-in-tandem criminals sa iba’t ibang parte ng katawan ay si Rustan Tan, ng Block 3, Bgy. San Nicolas, Tarlac City.

Ayon sa report, may dalawang arrest warrant si Tan para sa kasong robbery- hold up, at pangunahing most wanted sa Oplan Lambat Sibat ng Tarlac Police Provincial Office. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog