SOPHIE1 copy copy

MUTUAL agreement ng dating magka-love team/sweethearts na sina Vin Abrenica at Sophie Albert na pareho muna silang mag-focus sa kanilang career tutal mga bata pa naman sila. But they remained friends pa rin at sweet sa isa’t isa sa grand presscon ng Moonlight Over Baler, ang pelikulang pinagsasamahan nila mula sa direksiyon ni Gil Portes at kinunan ang kabuuan sa magandang bayan ng Baler sa Quezon province.

Kaya biniro sina Sophie at Vin bago nagsimula ang presscon, tinanong kung totoong nagli-live in na sila tulad daw ng sabi ng isang source.

“Naku, mali po ang inyong source,” mabilis at natatawang sagot ni Sophie. “Papatayin ako ng nanay ko. May bahay po ako at may sariling bahay si Vin. Hindi ko po iyon gagawin dahil matagal kong hinintay na magtuluy-tuloy na ang showbiz career ko. Next week po ay pupunta kami ng manager kong si Tito Manny (Valera) sa ABS-CBN, at makikipag-usap po kami sa kanila.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

So, may chance pala na muli silang magtambal o maging magka-love team ni Vin kapag natuloy na siya sa Kapamilya Network.

Mahinang “sana po” ang sagot ng dalaga.

Gagampanan ni Sophie ang role ni Fidela sa istorya ng Moonlight Over Baler na naganap noong World War II kaya si Vin naman bilang Nestor ay kabilang sa USAFEE na ipinadala sa digmaan. Nangako ang binata na babalikan si Fidela para ituloy ang pagpapakasal nila. Pero hindi nasawi sa giyera si Victor. After 40 years, may dumating na isang Japanese photographer na mahilig mag-surf sa Baler at nakita siya ni Fidela na this time, ginagampanan na ni Elizabeth Oropesa. Hindi nagkasama sina Elizabeth at Sophie, pero napanood niya minsan ang young actress habang nagsu-shooting.

“Magaling siya, seryoso sa role at marunong umarte,” sagot ni La Oro nang kumustahin tungkol sa acting ni Sophie. “I was very impressed. For somebody new, first time niya na nag-play ng ganoong role, na nakita naman ninyo sa trailer pa lamang, she’s very good.”

Sa Wednesday na (February 8) ang showing ng Moonlight Over Baler in cinemas nationwide. Noong Thursday, February 2, ginanap ang premiere night na dinaluhan ng buong cast at maraming na-impress sa movie. (NORA CALDERON)