Inihayag ng Embahada ng Korea sa Pilipinas na magdaraos ito ng official memorial service para sa negosyanteng Korean na si Jee Ick-joo, na dinukot at pinatay noong Oktubre 18, 2017.

Isasagawa ang memorial service bukas, Pebrero 6, sa ganap na 3:00 ng hapon, sa Philippine National Police (PNP) Multi-Purpose Center sa Camp Crame, Quezon City.

Bukod sa mga opisyal ng gobyerno, ng embahada at sa Korean community sa Pilipinas, bukas din ang memorial service sa publiko simula 10:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi sa Pebrero 6-13. - Jonathan M. Hicap

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'