SEATTLE/BOSTON (Reuters)— Sinopla ng isang federal judge sa Seattle ang bagong executive order ni U.S. President Donald Trump na pansamantalang nagbabawal sa refugee at mamamayan ng pitong bansa na makaapak sa United States.

Ang temporary restraining order ng judge ay isang malaking hamon kay Trump, kahit na maaaring umapela ang kanyang administrasyon.

Binigyang bisa ni Judge James Robart, itinalaga ni George W. Bush, ang kanyang ruling nitong Biyernes, sinabing ang pagbabawal sa pitong bansa na makapasok sa United States ay maaaring tanggalin.

Ipinagdiwang ni Washington Governor Jay Inslee ang desisyon bilang tagumpay ng bansa, idinagdag na: “no person - not even the president - is above the law.”
Internasyonal

Thailand, kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na nagpatupad ng same-sex marriage