SAN JUAN, Batangas – Ipauubaya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kustodiya sa isang 15-anyos na lalaki na umano’y namaril ng dalawang katao na ikinamatay ng isang dalagita sa San Juan, Batangas, kahapon.

Kaagad na nasawi ang 16-anyos na si Lyca Dimatulac, habang sugatan naman ang isa pang biktimang si Ryan Villanueva, 25 anyos.

Ayon sa report ni PO2 King Edgar Mabazza, dakong 1:30 ng umaga at sakay sa motorsiklo ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng binatilyong suspek sa Barangay Tipas, San Juan.

Personal na away ang motibo sa krimen, ayon sa pulisya. (Lyka Manalo)

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!