Ipinagharap ng kasong graft sa Sandiganbayan si dating Cagayan Vice Governor Leonides Fausto at dalawang iba pa dahil sa pagkakasangkot sa illegal disbursement ng Internal Revenue Allotment (IRA) ng ilang barangay ng lalawigan, na aabot sa P6 milyon, noong 2006.

Bukod sa graft, kinasuhan din ng estafa sina Eulalie Taguiam-Fausto, AVP at branch head ng Land Bank of the Philippines (LBP)-Tuguegarao City; at Ricardo Cabacungan, Jr., executive assistant ng Office of the Vice Governor.

Batay sa record ng kaso, tinukoy ng Office of the Ombudsman na nagkaroon ng iregularidad sa pagpapalabas ng mga ito ng 206 na tseke na aabot sa P6,606,324.90 na bahagi ng IRA ng ilang barangay na saklaw ng taong 2006-2007.

(Rommel P. Tabbad)

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon