Dahil sa exposure at preparasyon ng mga koponan inaasahang magiging maigting ang labanan sa darating na UAAP Season 79 women's volleyball championship.

Kabilang sa inaasahang babantayan ang Ateneo na may gustong patunayan matapos mawala ng kanilang superstar na si Alyssa Valdez, sa pangunguna ng solidong core nina Jho Maraguinot, Bea de Leon, Maddie Madayag at setter Jia Morado.

Makakatulong din nila ang nagbabalik na si Michelle Morente mula sa isang taong pagliban dahil sa problema sa academics gayundin ang rookie na si Jules Samonte at ang galing naman sa injury na si Kat Tolentino na inaasahang mailalabas ang potensiyal sa ilalim ni Thai mentor Tai Bundit..

Hindi naman papahuli ang kapitbahay nilang University of the Philippines na nagawang makapasok noong isang taon sa unang pagkakataon sa Final Four.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa pagkawala nina Kathy Bersola, Nicole Tiamzon at Pia Gaiser inaasahang mamumuno ngayon sa koponan sina Isa Molde, Diana Carlos at Justine Dorog, katulong ang skipper na si Arielle Estrañero na magsisilbi nilang bagong setter.

Makakatuwang ni Santiago. para sa misyong tapusin ang kanilang 60-year title drought sina setter Jasmine Nabor, Jorelle Singh, Roma Doromal at Aiko Urdas. (Marivic Awitan)