ELIZABETH copy

SA listahan ng mga paborito ni Direk Gil Portes, hindi puwedeng mawala ang pangalan ni Elizabeth Oropesa.

“She was born with this extraordinary gift for acting. Nagiging sakit lang siya ng direktor kapag siya ay umiibig,” sabi ni Direk Gil.

After a long absence from the big screen ay balik-pelikula si La Oropesa sa isang old-fashioned romance movie na Moonlight Over Baler na pre-Valentine offering ng T-Rex Productions. Istorya ito ni Fidela na umaasang babalikan ng kanyang sundalong kasintahang si Nestor kahit lumipas na ang napakahabang panahon.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Inamin ni Elizabeth na nakaka-relate siya sa karakter ni Fidela noong ikasal siya sa martial arts actor na si Meng Fei. Nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila. After eleven years ay nagkabalikan sila pero kalaunan ay muli ring naghiwalay.

Halos hindi masundan ni Elizabeth ang pagsikat ng young stars dahil sa bilis ng pagpapalit.

“But they are very lucky dahil hindi sila nawawalan ng projects foremost of which ay ang paglabas nila sa mga teleserye. May acting workshops sila para lalong gumaling ang pag-arte. Wala namang ganyan noong panahon namin, natututo kaming umarte ng tama dala ng mura at sigaw ng direktor,” pagbabalik-tanaw niya.

Ang dual role bilang Nestor at Kenji ay ipinagkatiwala kay Vin Abrenica, isa sa pinakaabalang actor ngayon. Tampok din ang seksing si Ellen Adarna bilang love interest ni Kenji.