Matapos kumalma sa nakalipas na mga linggo, tumindi naman ngayon ang volcanic activity ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), aabot sa 20 pagyanig ang naramdaman sa Bulusan sa nakalipas na 24 oras.
Sinabi ng Phivolcs na kahit nasa level 1 ang alert status ng bulkan, ipinagbabawal pa rin ng ahensiya sa publiko ang paglapit o pagpasok sa four-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil sa bantang panganib ng bulkan.
Nilinaw din ng Phivolcs na halos nasa dating antas pa rin ang ibinubugang sulfur dioxide ng Bulusan.
(Rommel P. Tabbad)