BUTUAN CITY – Arestado ang isang pulis, na noong nakaraang taon pa absent without leave (AWOL), sa bisa ng search warrant na ipinatupad ng mga pulis at sundalo sa Purok 6, Barangay Poblacion sa Cagwait, Surigao del Sur.

Kinilala ni Police Regional Office (PRO)-13 Director Chief Supt. Rolando B. Felix, ang naaresto na si PO1 Dennis B. Dumagan, 34, dating nakatalaga sa 13th Regional Public Safety Battallion.

Ang pulis ay high-valued target ng Cagwait Municipal Police, at nakumpiskahan nitong Linggo ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P35,400, at drug paraphernalia. (Mike U. Crismundo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog