Hiniling ng isang commuters group sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na imbestigahan ang Uber, Grab at iba pang transport network company (TNC) upang matukoy kung nagdedeklara ang mga ito ng tamang kita at nagbabayad ng tamang buwis.

Ayon sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), dapat i-audit ng BIR ang mga TNC dahil maraming unit ang hindi pag-aari ng TNC, kundi ng mga indibidwal at samahan na hindi rehistrado sa BIR.

Iginiit ng abogadong si Ariel Enton, LCSP founder, na ang TNC bilang transport service ay obligadong magbayad ng common carriers tax, o value-added tax (VAT), at mag-isyu ng resibo sa mga pasahero gaya ng mga karaniwang taxi.

(Jun Ramirez)

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!