maliksi copy copy

TUNAY na malaking kawalan ang paglisan ni James Yap sa kampo ng Star Hotshots. Ngunit, naging madali ang pagbawi ng Hotshots sa sitwasyon dahil sa pagkinang nang dating stringer na si Allen Maliksi.

Dahil sa tiwalang ibinigay ng bagong Star coach na si Chito Victolero, lumutang ang talento ng 6-foot-3 na si Maliksi at ngayo’y maihahanay na sa talaan ng mga pamosong shooter sa PBA.

Nanguna si Maliksi sa nakalipas na dalawang panalo ng Star kung saan nakapagtala siya ng averaged 25.5 puntos at 5.0 rebound para matulungan ang Star na makausad sa quarterfinals.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Bunsod nito, napili si Maliksi bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week award para sa kabuuan ng Enero 22-28.

Ginapi niya sa parangal ang dating kasangga sa Star at ngayo’y pambato ng Mahindra na si Alex Mallari, gayundin sina Alaska’s young forward Kevin Racal, three-time league MVP June Mar Fajardo, GlobalPort gunner Terrence Romeo at TNT’s rookie Roger Pogoy.

Hataw ang dating University of Santo Tomas sa second half tungo sa 111-95 panalo kontra Blackwater nitong Miyerkules.

Kumubra siya ng season-high 26 puntos, tampok ang limang triple.

Laban sa Meralco nitong Linggo, ratsada ang eighth overall pick ng Barako Bull noong 2011 PBA Draft, sa dominanteng 120-73 panalo. Kumubra ang 29-anyos na si Maliksi ng 25 puntos, tampok ang 17 sa first-half para sandigan ang panalo ng Star.

Kung magwawagi laban sa Mahindra at manalo ang Rain or Shine sa laro kontra Alska, may tsansa ang Star na makuha ang No.2 spot na may kaakibat na twice-to-beat ng benthe.