MELBOURNE, Australia — Nailimbag ni Roger Federer ang record 18th Grand Slam title para tuluyang ilayo ang distansiya sa career all-time major win kontra sa ginaping si Rafael Nadal nitong Linggo sa Rod Lavern Arena.
Nailusot ng 35-anyos na si Federer, nagbabalik-aksiyon mula sa anim na buwang pahinga dulot ng injury sa tuhod, ang 6-4, 3-6, 6-1, 3-6, 6-3 panalo kontra Nadal sa men’s single finals ng Australian Open.
Ito ang ikalimang Australian title ni Federer at unang major mula nang magwagi noong 2012 sa Wimbledon.
Nakabawi rin si Federer kay Nadal na tumalo sa kanya sa anim sa huling walong major championship na pinaglabanan.
Tulad ni Federer, balik-aksiyon din si Nadal mula nang ma-injured ang kaliwang kamay. Sumabak sila na seeded No.17 at No.9 , ayon sa pagkakasunod.
Magkasosyo sina Nadal at retirado nang si Pete Sampras sa ikalawang puwesto sa all-time list tangan ang 14 na major, kabilang ang huling titulo sa Roland Garros noong 2014.
“For me it’s all about the comeback, about an epic match with Rafa again,” pahayag ni Federer.”... that I can still do it at my age after not having won a slam for almost five years.
“That’s what I see. The last problem is the slam count — honestly, it doesn’t matter,” aniya.
Sa head-to-heal duel, tangan ni Nadal ang 23-11 bentahe. Huling nanalo si Federer kontra kay Nadal noong 2007 Wimbledon.
“It remains for me the ultimate challenge to play against him. It’s super sweet, because I haven’t beaten him a Grand Slam final for a long time now.
“This one means a lot to me because he’s caused me problems over the years.”