LICAB, Nueva Ecija - Usapin sa lupang sinasaka ang tinututukang anggulo ng pulisya sa pamamaslang ng hindi pa nakikilalang salarin sa isang pastor na magsasaka sa Purok 1, Barangay Sta. Maria sa Licab, Nueva Ecija, nitong Enero 27.

Sa ulat ni Senior Insp. Rommel Nabong, hepe ng Licab Police, sa tanggapan ni Nueva Ecija Police Provincial Office Director, Senior Supt. Antonio Yarra, nakilala ang biktimang si Tresilito Neri Corpuz, 50, pastor ng Baptist Curch of Christ, at taga-Bgy. Poblacion Sur, Licab.

Dakong 1:30 ng hapon nang magtungo sa pulisya si Niño Quirino Esguerra, ng Bgy. Poblacion Sur, para iulat ang nangyari.

Sa salaysay naman ni Erwin Baquirin Taguinod, 32, magsasaka, ng Bgy. Sta. Maria, sabay silang nanananghalian ni Corpuz nang dumating ang isang lalaking nakasuot ng bonnet at itim na jacket na biglang bumunot ng baril at ilang beses na pinaputukan ang biktima.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Kaagad umanong nakatakas ang suspek patungong Bgy. Aquino sa Licab. (Light A. Nolasco)