NAITALA ni Bobby Ray Parks Jr. ang record 8-of-8 sa three-point tungo sa 35 puntos para pangunahan ang Alab Pilipinas sa 99-77 panalo kontra Saigon Heat nitong Biyernes sa Asean Basketball League (ABL) sa Olivarez College Gym sa Paranaque City.

Nabura ni Parks ang dating record ni Wesley Hsu ng Kaohsiung Truth nitong Miyerkules kontra Westports Malaysia Dragons.

Nakopo ng Alab ang anim na panalo sa siyam na laro, habang bumagsak ang Saigon sa 1-6.

Kumana si Fil-American Joshua Munzon ng 20 puntos para sa kauna-unahang laro sa Manila.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Iskor:

Alab (99)—Parks, Jr., 35, Carter 16, Domingo 15, Hughes 12, Cawaling 9, Fortuna 6, Hubalde 2, Celiz 2, Thiele 2, Knuttel 0, Acuna 0, Mendoza 0.

Saigon (77) - Daniel 31, Munzon 20, Nguyen 9, Arnold 6, Charles 6, Bui 0.

Quarterscores: 26-14, 54-30, 80-55, 99-77.