MELBOURNE, Australia (AP) — Pinatatag nina American Bethanie Mattek-Sands at Czech Lucie Safarova ang katayuan bilang dominanteng tambalan nang angkinin ang women’s doubles ng Australian Open nitong Sabado.

Matikas na nakihamok ang second-seeded at defending champion para maisalba ang ratsada nina Czech Andrea Hlavackova at China’s Peng Shuai 6-7 (3), 6-3, 6-3.

Nahila ng dalawa ang matikas na record na 12-0 sa Melbourne Park – kabilang ang matagumpay na kampanya sa nakalipas na taon bilang rookie pair.

Sa kabuuan, ito ang ikaapat na Grand Slam title ng dalawa kabilang ang 2015 French Open at US Open. Nanatili sila bilang No.1 sa world ranking at si Safarova ay umusad sa No.2 sa singles ranking. Naiuwi nila ang 660,000 Australian dollar (US$500,000).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We were celebrating like 5-year-old kids out there. When we got the trophy and saw our names on it and to know they will be on it again is special,” pahayag ni Mattek-Sands.

“She’s my rock out there. We play aggressive and have fun. We really balance each other out.”

Sa mixed doubles, nagwagi sina second-seeded Ivan Dodig ng Croatia at India’s Sania Mirza kontra Colombian Juan Sebastian Cabal at American Abigail Spears.