SANTA FE, Nueva Vizcaya - Luhaang nagsumbong ang isang walong taong gulang na babae sa kanyang ina matapos siya umanong halayin ng sariling ama sa bayan ng Sta. Fe sa Nueva Vizcaya.

Ayon sa huling report ng Sta. Fe Police, ang biktima ay isang Grade 3 pupil na hinalay umano ng 39-anyos niyang ama sa Barangay Bacneng.

Batay sa ulat, ilang beses na umanong pinagsamantalahan ng ama ang kanyang anak at nabunyag lang ito matapos na magsumbong ang bata sa kanyang ina sa huling panghahalay ng suspek nitong Enero 24.

Inuutusan umano ng suspek ang anak na magtungo sa farm ng kapitbahay at doon hinahalay umano ang bata simula noong nakalipas na taon.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Naaresto naman ang suspek. (Liezle Basa Iñigo)