MELBOURNE, Australia (AP) — Isang panalo na lamang ang agkwat ni Serena Williams sa kasaysayan. At ang nalalabing balakid sa hangaring makamit ang markadong 23 Grand Slam title ay ang nakatatandang kapatid na si Venus.
Nakalapit sa inaasam na marka sa tennis ang No. 2-ranked na si Serena, six-time Australian Open winner, sa magaan na panalo kontra Mirjana Lucic-Baroni 6-2, 6-1 sa loob lamang ng 50 minuto.
Nauna rito, naitala ni Venus ang kasaysayan bilang pinakamatandang player sa edad na 36 na makausad sa Grand Slam Finals nang gapiin ang batang karibal na si CoCo Vandeweghe 6-7 (3), 6-2, 6-3.
"She's my toughest opponent — nobody has ever beaten me as much as Venus has," pag-aamin ni Serena. "I just feel like no matter what happens, we've won.
"She's been through a lot, I've been through a lot. To see her do so well it's great. I look forward to it. A Williams is going to win this tournament,” aniya.
Ito ang kauna-unahang sabak ni Venus sa Grand Slam final mula noong 2009 sa Wimbledon, at unang Australian Open championship match mula noong 2003, kung saan natalo siya ni Serena final sa Melbourne Park.
"Everyone has their moment in the sun," pahayag ni Venus.
"Maybe mine has gone on a while. I'd like to keep that going. I've got nothing else to do so let's keep it going."
Hindi pa nananalo si Venus – tangan ang pitong major title – sa Grand Slam mula noong 2008 Wimbledon. Siya ang pinakamatandang player sa kasaysayaan ng major final sa likod ni Martina Navratilova, noo’y 37-anyos at 258 araw.
Samantala, nakamit ng kambal na sina Bob at Mike Bryan ang ikapitong Australian Open doubles finals nang pabagsakin ang tambalan nina Pablo Carreno Busta at Guillermo Grcia-Lopez, 7-6 (7-1) 6-3 sa semifinals nitong Huwebes.
Sumabak ang kambal sa kanilang ika-10 semifinals sa Melbourne Park. Bago magsimula ang major event, nagbitiw ang dalawa sa US Team na sasagupa laban sa Switzerland sa Davis Cup tie.