Scarlett at Romain copy copy

NAGHIWALAY na sina Scarlett Johansson at Romain Dauriac pagkaraan ng dalawang taong pagsasama bilang mag-asawa.

“They’ve been separated since the summer,” sabi ng isang source sa People.

Dumalo si Scarlett sa women’s march sa Washington, D.C., noong Sabado, at namataan na hindi na niya suot ang kanyang wedding ring.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Unang namataan sina Scarlett at Dauriac na magkasama sa kanilang lunch date sa New York City noong Oktubre 2012. At noong Setyembre, nakita ang aktres na may suot na singsing na vintage Art Deco style na nagpapahiwatig ng engagement ng dalawa.

Palihim na ikinasal ang 32-anyos na aktres at art collector noong 2014 nang ipanganak ang kanilang anak na si Rose Dorothy.

Ibinahagi ni Scarlett sa People pagkatapos ng kanilang engagement noong 2014 na minahal niya si Dauriac dahil sa charm at katalinuhan nito. “I love his brain more than anything,” aniya. At “he does all the sweet gestures for me. He’s a gentleman.”

Gayunman, nanatiling magkasosyo sa negosyo ang dalawa: Sila ang nagmamay-ari ng popcorn brand na Yummy Pop. Huling nakunan ng litrato ang dalawa noong Disyembre para sa grand opening party ng kanilang Yummy Pop popcorn store sa kilalang Theatre du Gymnase sa Paris.

Unang naikasal si Scarlett sa aktor na si Ryan Reynolds, nagsama sila simula 2008 hanggang 2010. (People.com)