[caption id="attachment_221298" align="aligncenter" width="600"]????????????????????????????????????

TIYAK na nabasa ni Betchay Vidanes, manager ni Jasmine Curtis-Smith ang sinulat at pagtatanong namin dito sa Balita kung magiging Kapuso na ba ang alaga niya dahil may tsikang nag-audition ito para sa Mulawin ng GMA-7.

Tinawagan kami ni Betchay para sabihing hindi nag-audition si Jasmine at malabo itong makapag-audition dahil December pa last year ay wala na ito sa bansa. Nasa Australia ang aktres. Hindi namin naitanong kung dahil sa pag-aaral ba ito o purely vacation.

Anyway, may statement si Betchay tungkol sa isyung ito: “There is a rumor circulating that Jasmine will be part of an upcoming show titled Mulawin. To set the record straight, Jasmine has not been to audition for anything yet since her contract has ended with TV5. Her current focus is making the rest of her holiday count with her family and at the same time planning for her next career move. We are flattered but there is no truth to the gossip being talked about.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Bukod sa audition, nalinaw din na wala nang kontrata sa TV5 si Jasmine, nag-expire na, kaya puwede na siyang lumipat sa ibang network. (Nitz Miralles)