DENNIS AT LEON copy

NATUPAD ang matagal nang pangarap ni Dennis Padilla na makita ang anak niya kay Marjorie Barretto na si Leon Marcux na almost two years niyang hindi nakita.

May litrato silang mag-ama na magkasama at kitang-kita ang kaligayahan ni Dennis na muling makita, makasama at mayakap ang anak.

Nang makausap ng reporters si Dennis sa taping ng Alyas Robin Hood bago nag-Christmas last year, nabanggit niyang matutuwa siya at mas sasaya ang Pasko niya kung makikita ang mga anak kay Marjorie, lalo na si Leon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“With my son Leon Marcux... halos 2 years ko s’ya di nakita,” caption ni Dennis sa isang picture nilang mag-ama.

Hindi niya sinagot ang kanyang isang follower na nagtanong kung bakit natagalan ang pagkikita nila.

Natupad din ang isa pang pinangarap ni Dennis na mapagsama-sama ang mga anak niyang sina Luis (anak niya sa unang asawa), Leon (anak nila ni Marjorie) at si Gavin (na anak nila ng asawa niya ngayon).

Masaya rin si Dennis na nakasama siya sa cast ng Alyas Robin Hood at makatrabaho sina Dingdong Dantes, Sid Lucero, Megan Young, Andrea Torres, Paolo Contis at Cheri Gil. Idagdag pang maging director si Dominic Zapata.

“Kontrabida ako rito, pero hindi ako kinaiinisan ng viewers at hindi sila nagagalit sa akin dahil may halong comedy ang pagiging kontrabida ko. Masayang gawin ang karakter kong si Wilson,” sabi ni Dennis.

Nabanggit din ni Dennis na nalungkot siya nang halos two weeks siyang hindi nag-taping dahil nasa bahay lang siya at higit sa lahat, wala tuloy siyang talent fee. (Nitz Miralles)