ROME, Italy – Dalawang importanteng kasunduan, itinuturing na set of breakthroughs, ang nilagdaan at nagsilbing pambawi sa kabiguang maabot ang bilateral ceasefire, sa pagtatapos ng ikatlong serye ng peace negotiations sa pagitan ng Philippine Government (GRP) at National Democratic Front noong Miyerkules (Enero 25), sa Holiday Inn-Parco de Medici here.

Ang supplemental guidelines para sa full operation ng Joint Monitoring Committee (JMC) sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Respect for Human Right and International Humanitarian Law (CARHIRL), at ang pagpatibay sa ground rules para sa pagsasagawa ng formal meetings sa pagitan ng Reciprocal Working Committees (RWCs) on social-economic reforms ng dalawang panig, ang naging pampalakas ng loob sa seryeng ito, na inasam ang bilateral ceasefire agreement.

Sa closing ceremony na naantala ng tatlong oras at pinalungkot ng balitang isinugod sa ospital si Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman at NDF Chief Political Consultant Jose Maria Sison noong Martes ng gabi, naglabas ang dalawang panig ng joint statement na nagbabalangkas sa mga tagumpay na natamo ng pitong araw na pag-uusap. Ito ang pinakamahaba, ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza.

Ibinandila ng pahayag ang mga positibong natamo na magpapahintulot sa full operation ng JMC, na susubaybay sa implementasyon at pagtatamo ng mga layunin ng CARHRIHL.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Napagtibay rin ang ground rules sa pagtatalakay sa Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER), na sinasabing puso at kaluluwa ng mga usapang pangkapayapaan.

Nagkasundo ang GRP at NDF na idaos ang ikaapat na serye ng mga pag-uusap sa Oslo, Norway sa Abril 2 hanggang 6.

Nagkasundo rin ang dalawang partido na ang panel members at kanilang ceasefire committees ay magpupulong sa Utrecht, The Netherlands sa Pebrero 22 hanggang 27 para pag-usapan ang draft “Agreement on an Interim Bilateral Cessation of Hostilities.”

Kabilang sa mga nakasaad sa joint agreement ang pagtitiyak ng GRP sa NDF na palalayain ang tatlo pang consultants na sina Eduardo Sarmiento, Emetrio Antalan, at Leopoldo Caloza at “200 qualified prisoners” at ipamahagi ang tinatayang 100 milyong ektaryang lupain sa mga magsasaka.

Hindi nabanggit sa joint statement ang pangako ng GRP na hihilingin sa United States na alisin ang pangalan ni Sison sa terror watch list, at ang posisyon ni NDF Peace Panel Chairman Fidel Agcaoili na maaari nang tumalikod ang New People’s Army sa idineklara nilang unilateral ceasefire.

Sa halip, binanggit sa pahayag na “the parties note that their unilateral ceasefires remain in place.”

(ROCKY NAZARENO)