Dismayado at naiinis na walang nagawa para masagip ang buhay ng Filipina na si Jakatia Pawa, na binitay sa Kuwait, nagmadali si Labor Secretary Silvestre Bello III na umalis sa Rome patungong Middle East noong Miyerkules upang sikaping maisalba ang isa pang overseas Filipino worker (OFW) na si Elpidio Nano.

“I was only informed about Pawa’s execution at 1:30 a.m. The labor official (in Kuwait) said she was lost in all the tension that she forgot to call me. I really bawled her over for that oversight. I could have done something (to help Pawa),” sabi ni Bello, na nasa Rome bilang Philippine Government (GRP) Peace Panel Chairman, sa The Manila Bulletin.

Kayat nang malaman niya na anumang oras ay maaaring bitayin na rin si Nano, hindi na nagsayang ng panahon si Bello na i-rebook ang kanyang flight patungong Kuwait. “It can happen any time, that’s why I have to rush to Kuwait,” aniya.

Inaresto si Nano noong 2008 matapos akusahang pumatay sa kapwa Pinoy na si Nilo Macaranas, isang engineer, at hinatulan ng kamatayan.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

TULONG SA NAULILA NI PAWA

Bibisita rin si Bello sa libingan ni Pawa, na binitay nitong Miyerkules sa Kuwait matapos mahatulang nagkasala sa pagpatay sa 22-anyos na anak na babae ng kanyang amo noong 2007. Dahil Muslim si Pawa, inilibing siya sa Kuwait sa loob ng 24 oras matapos mamatay, alinsunod sa kanyang relihiyon.

“I also want to link up with Pawa’s family so that we can extend assistance to them. I have so much to do,” ani Bello.

Tatanggap ang naulilang pamilya ni Pawa ng P120,000 mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at college scholarship sa dalawa niyang anak. Ang asawa ni Jakatia ay nauna nang namatay.

Magbibigay din ng suportang pinansyal ang Philippine Air Force (PAF) sa pamilya ni Pawa.

Sa isang pahayag, sinabi ni PAF Spokesman Col. Antonio Z. Francisco, na nakikidalamhati ang Air Force sa pagkamatay ni Jakatia Pawa, nakababatang kapatid ni Air Force Lt. Col. Angaris Pawa, na nakatalaga sa 530th Airbase Wing sa Edwin Andrews Airbase sa Zamboanga City. (Rocky Nazareno, Mina Navarro at Francis T. Wakefield)