Idineklara ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na holiday ang Enero 27 (Biyernes) sa 3rd District ng lungsod bilang pagbibigay-daan sa selebrasyon ng Chinese New Year.

Batay sa Executive Order No. 2 ng alkalde, idineklarang walang pasok sa bisperas ng Chinese New Year sa lahat ng paaralan, kolehiyo at unibersidad sa Binondo, Sta. Cruz at Quiapo. Wala ring pasok ang Manila City hall at mga city government offices.

Gayunman, tuloy ang pasok sa mga may kinalaman sa peace and order, disaster risk reduction and management office, traffic enforcers at mga ospital.

Nauna nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang pasok sa mismong araw ng Chinese New Year sa Sabado sa buong bansa. (Mary Ann Santiago)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'