Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) Board na nanguna ang Batangas State University-Alangilan sa listahan ng Top Performing Schools sa Sanitary Engineer Board Exam ngayong Enero.
Nakakuha ang unibersidad ng 80 porsiyentong passing rate, at nakapagtala ng record sa pagpasa ng 12 sa 15 kumuha ng pagsusulit mula sa unibersidad.
Ang licensure examination ay pinangasiwaan ng mga miyembro ng PRC na sina Engr. Corazon De los Reyes-Romero, chairman; Engr. Alfredo B.Espino; at Engr. Florimond M. Lara. (Dianara T. Alegre)