DAVAO CITY – Isang pulis at dalawa niyang kasamahan ang naaresto sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 11 sa Camansi, Barangay Badas sa Mati City.

Dinakip at binawian ng tsapa nitong Sabado si PO1 Kenneth Gervir Y. Casani, nakatalaga sa Mati City Police-Station 2, habang inaresto rin kasama niya sina Ricky Namoc Masisay at Jomaira Adar Espina, pawang taga-Bgy. Badas, Mati City.

Nakumpiska rin ng pulisya mula sa mga suspek ang tatlong transparent plastic sachet na may hinihinalang shabu, marked money at drug paraphernalia. (Yas D. Ocampo0

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak