Pinayuhan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga naghahanap ng trabaho na silipin ang PhilJobNet para sa mga bakanteng posisyon.

“At the PhilJobNet alone, more than 50,000 local vacancies are available for jobseekers,” wika ni Bello.

Batay sa ulat ng Bureau of Local Employment (BLE), ang 10 may pinakamaraming bakante sa PhilJobNet ay ang mga sumusunod: call center agent (822), staff nurse (402), housekeeper (198), private tutor (180), quality analyst (180), production worker (180), cashier (140), salesperson (135), driver (125) at accounting officer (100). (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'