BANJUL, Gambia (AFP) – Lumipad palabas ng bansa si Gambian leader Yahya Jammeh noong Sabado matapos ang 22 taong pamumuno, at isinuko ang kapangyarihan kay President Adama Barrow para wakasan ang krisis sa politika.

Tumanggi si Jammeh na bumaba sa puwesto matapos ang eleksiyon noong Disyembre 1 na si Barrow ang nagwagi. Nagbunsod ito ng ilang linggong kawalang katiyakan na muntikan nang mauwi sa military intervention ng lima pang mga bansa sa west Africa.

Kumaway muna si Jammeh sa kanyang mga tagsuporta, bago sumakay sa eroplano sa Banjul airport kasama si Guinea President Alpha Conde matapos ang dalawang araw na negosasyon. Lumapag siya sa Conakry, ang kabisera ng Guinea ngunit muling lumipad patungong Equatorial Guinea, kung saan siya mananatiling exile, ayon sa Economic Community Of West African States (ECOWAS). Walang isasampang kaso laban sa kanya batay sa joint declaration ng African Union at United Nations.

Nagpahayag si Jammeh na bababa na siya noong Sabado ng madaling araw at ililipat ang kapangyarihan kay Barrow, na nasa Senegal.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture