BALIK ang PLDT sa women’s volleyball para sa V-League season.

“Sinabihan ako na mag-practice daw ulIt. Akala ko naman merong MVP Olympics ngayong February. ‘Yun pala preparation daw for next year [V-League] at saka sasali daw sa ibang liga. Inaayos na ang budget,” pahayag ni coach Roger Gorayeb.

Matatandaan na noong taong 2015, namayagpag ang women’s volleyball squad ng PLDT matapos magdomina sa Shakey’s V-league sa pangunguna ng mga star player na sina Alyssa Valdez, Jaja Santiago, at Grethcel Soltones bago nagbakasyon noong nakaraang taon na naging dahilan kaya nagkawatak-wata ang kanilang mga players

Sa ngayon, ang mga nalabing manlalaro ng koponan ay yaong mga empleyado mismo ng kompanya tulad nina Rysablle Devanadera, Lauren Latigay, Suzanne Roces, Ella De Jesus, at Lizlee Ann Gata-Pantone. (Marivic Awitan)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!