DAKAR, Senegal (AP) — Pumasok ang West African regional force sa katabing Gambia noong Huwebes ng gabi para suportahan ang bagong pangulo, sa pagmamatigas sa puwesto ng matagal na pinunong si Yahya Jammeh.

Kumilos ang mga tropa matapos ang panunumpa ni Adama Barrow sa Gambia embassy sa katabing Senegal. Nabigo ang mga huling pagsisikap napakiusapan si Jammeh na umalis sa puwesto sa pagpaso ng kanyang mandato sa hatinggabi.

Kasunod nito, inaprubahan ng U.N. Security Council ang resolusyon na nagpapahayag ng “full support” kay Barrow, at nananawagan kay Jammeh na bumaba na at kinondena ang mga pagtatangka nitong agawin ang kapangyarihan.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture