Hinatulan ng 15 taong pagkakabilanggo ang isang lalaki matapos niyang ibugaw ang sarili niyang asawa sa Internet noong 2014.

Guilty si Ruben Pasco, Jr. sa paglabag sa kasong Republic Act 9208 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

Sa 32 pahinang desisyon na inisyu nitong Enero 16, hinatulan ng korte si Pasco ng 15 taon at pinagbabayad ng P800,000.

“This court finds that the prosecution was able to prove beyond reasonable doubt that the accused performed all the elements in the commission of the offense of trafficking in persons, qualified by the fact that the victim is his spouse,” base sa desisyon.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Nag-ugat ang kaso mula sa ikinasang entrapment operation na isinagawa ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Oktubre 2014 sa isang hotel sa Malate, Maynila.

Nakatanggap ng impormasyon ang NBI noong Agosto 2014 tungkol sa isang lalaki na ibinubugaw ang asawa. Ibinigay ng informant ang contact number at website kung saan makikita ang malalaswang larawan ng biktima.

Ikinasa ang entrapment operation matapos makipagkasundo ng suspek na makipagkita sa hotel noong Oktubre 3. Narekober sa operasyon ang P15,000 marked money. (CRIS G. ODRONIA)