Asahan nang lilikha ng maraming headline ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit meetings na isasagawa sa Pilipinas ngayong taon, lalo na ang East Asia Summit, kaysa anumang isyu na kasalukuyang pinagkakaabahalan ng mundo ngayon.

Sa katunayan, ayon sa dating National Security Adviser na si Roilo Golez, matatabunan ng ASEAN Summit at ng mga kaugnay na pulong ang mga nangyayari sa Western hemisphere, lalo na sa Europa, lalo pa kung dadalo si United States President-elect Donald Trump sa EAS.

“The scheduled multilateral summits will be very hot because of the interplay of so many geopolitical events,” sabi ni Golez, kongresista ng Parañaque City, sa talakayan sa “Tapatan sa Aristocrat” ngayong linggo.

Ang pagtitipon ay mahalagang bahagi ng “ASEAN centrality”, na pinananatili ng 10-member group sa pinakabuod ng rehiyonal na pagtutulungan sa Asia. Bagamat walang inihahayag na petsa para sa Asia-oriented summit ngayong taon, ang pangunahing isyu, tulad ng mga nakaraang taon, ay malamang na ang nakababahalang pagkilos ng China sa South China Sea.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon kay Golez, kabilang sa ASEAN summit ngayong taon ang iba pang mga usapin na aagaw ng atensiyon ng mundo at ilalagay nito si Pangulong Duterte sa ilalim ng “a global microscope”.

Kaya mahalaga at nararapat lamang na mapatakbo nang maayos ni Pangulong Duterte at ng kanyang pangkat ang mga pagpupulong “because all eyes will be on him to see how he deals with regional and international power dynamics,” aniya.

Marami ring foreign affairs experts ang nagsasabi na ang isa sa pinakamabigat na dahilan ni Trump para dumalo sa EAS sa Pilipinas ay ang ipapakitang suporta kay Pangulong Duterte, na isa pang “strong leader.”

Pero kung hindi man dumalo sa EAS ang susunod na presidente ng Amerika, malamang na isugo na lamang niya ang kanyang Secretary of State nominee na si Rex Tillerson.

Kapag natuloy ang kaayusang ito, malaki ang posibilidad na umangat ang arbitral award, sabi ni Golez.

“Tillerson has issued recently a strong statement about the need to prevent China from occupying the artificial islands it constructed in the South China Sea,” aniya. “Very strong words that could mean a lot of complications.”

(Roy C. Mabasa)