SEOUL, South Korea (AP) — Hiniling ng prosecutors noong Lunes na arestuhin ang tagapagmana ng Samsung na si Lee Jae-yong sa kasong bribery kaugnay sa influence-peddling scandal na nauwi sa impeachment ng pangulo ng South Korea.
Sinabi ng special prosecutor’s office na hiniling nito sa korte na aprubahan ang warrant para arestuhin si Lee, ang 48-anyos na vice chairman ng Samsung Electronics.
Ang Samsung ang pinakamalaking kumpanya sa South Korea, at si Lee ang de facto head nito. Itinanggi na ni Lee ang mga alegasyon at wala rin siyang komento kaugnay sa arrest warrant.