ISTANBUL (Reuters) – Nadakip ng mga pulis ang suspek sa pagpatay sa 39 katao sa isang nightclub sa Istanbul noong New Year’s Day, sa Esenyurt district ng lungsod, iniulat ng pahayagang Hurriyet nitong Martes.

Ayon sa ulat ng media, kumikilos ang lalaki gamit ang pangalang Abu Muhammed Horasani, at nahuli sa kanyang hideout kasama ang apat na taong gulang nitong anak na lalaki.

Kinumpirma ni Istanbul Governor Vasip Sahin ang tunay na pangalan ng suspek na si Abdulgadir Masharipov, isinilang noong 1983 sa Uzbekistan at nagsanay sa Afghanistan. Umamin siya sa pagkakasala at nag-match ang kanyang fingerprints sa mga nakuha sa crime scene.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa