KOLKATA, India (AP) — Anim katao ang nasawi sa stampede sa isang Hindu religious festival noong Lunes sa silangan ng India, sinabi ng isang opisyal.

Nangyari ang stampede sa pagtitipon ng libu-libong katao sa pampang ng Buriganga river sa West Bengal state.

Ayon kay state development minister Mantu Ram Pakhira, nag-unahan ang mga tao na makasakay sa siksikang bangka. Anim ang nasawi at pito pa ang nasugatan.

Ang lugar ng stampede ay halos 120 kilometro sa timog ng Kolkata, ang kabisera ng West Bengal state.

Internasyonal

Ex-US Pres. Joe Biden may 'aggressive form' ng prostate cancer