Bitayin ang mga terorista. Ito ang binigyang-diin ni Senator Manny Pacquiao sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng ika-38 anibersaryo ng Philippine National Police-Intelligence Group (PNP-IG) sa Camp Crame kahapon.

Sinabi ni Paquiao, ang Senate Bill 186 na nagtatakda ng parusang kamatayan sa terorismo at iba pang karumal-dumal na krimen, ay magiging malaking tulong sa PNP sa pagsugpo sa krimen.

Ayon kay Paquiao, panahon na para buhayin ang death penalty dahil sa walang pakundangan ng mga kriminal. (Fer Taboy)

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo