WASHINGTON (AFP)— Daan-daang libong raliyista ang inaasahang susugod sa inauguration ni Donald Trump, ngunit libu-libo ring raliyista ang magsasama-sama sa Washington sa susunod na linggo upang ibuhos ang kanilang sama ng loob sa resulta ng eleksiyon.
Ang demontrasyon ay nakatakdang isagawa sa United States, ngunit ang pinakadudumugin ng mga raliyista ay ang sentrong lungsod.
Ang pinakaprotesta ay isasagawa sa susunod na araw dakong 10:00 ng umaga (1500 GMT).
“We expect elected leaders to act to protect the rights of women, their families and their communities,” pahayag ng mga organizer.