TARLAC CITY - Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang ginang at tatlo niyang anak na paslit makaraan silang malitson sa pagkakasunog ng kanilang bahay sa Sitio Barbon, Barangay Tibag, Tarlac City, nitong Biyernes ng madaling araw.

Sa report ni PO3 Michael Ruiz kay Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan, kinilala ang mag-iinang nasawi na sina Angie Legaspi, 30; Raven Legaspi, 10; Jay-Ar Legaspi, 7; at Renz Legaspi, dalawang taong gulang.

Nabatid na Enero 7 nang umalis sa bahay ang ama ng tahanan na si Rionel Legaspi bitbit ang kanyang mga personal na gamit upang maiwasan umano ang sigalot sa kanyang asawa.

Napag-alaman na ilang linggo na ang nakalilipas nang matuklasan ng ginang na may ibang babaeng karelasyon si Rionel at pinag-awayan nila ito.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Tinangka pa umanong magpatiwakal ni Angie noong nakaraang buwan, ngunit napigilan ito.

Nakikipag-ugnayan ngayon ang mga awtoridad kay Rionel para magbigay ng paliwanag hinggil sa insidente, na ikinasawi ng mag-iina nito. (Leandro Alborote)