PARIS (AFP) – Sinabi ng pangunahing suspek sa Paris attack na hindi siya nahihiya sa liham sa isang babaeng nakakasulatan niya sa kulungan, ayon sa mga sipi ng ulat na inilathala sa French press nitong Biyernes.

Si Salah Abdeslam, 27, ay kabilang sa mga jihadist ng grupong Islamic State na umatake noong Nobyembre 13, 2015 na ikinamatay ng 130 katao. Inilipat siya sa France mula sa Belgium noong Abril matapos maaresto sa Brussels.

‘’First of all, I’m not afraid of letting anything slip because I’m not ashamed of what I am -- and then what worse could be said than what’s already been said,’’ sulat ni Abdeslam sa babae, iniulat ng pahayagang Liberation.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa