NEW YORK (AP) – Isang 12-anyos na lalaki sa New York City ang inakusahan ng panunutok ng baril sa isa niyang kaklase para makuha ang chicken nugget nito.

Ayon sa pulisya, nilapitan ng batang lalaki ang batang babae sa loob ng McDonald’s sa Harlem noong Martes at hiningi ang Chicken McNuggets nito. Nang tumanggi ang babae, sinundan siya ng lalaki hanggang sa subway station at tinutukan ng baril sa ulo, at sinabing ibigay nito sa kanya ang nugget. Tinabig ng babae ang baril at sinabihan ang lalaki na lubayan siya.

Isinumbong ng babae ang insidente sa mga opisyal ng eskuwelahan kinabukasan at dinampot ng mga pulis ang lalaki sa kasong attempted robbery. Hindi natagpuan ang baril, at hindi pa malinaw kung totoong baril nga ito.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa