Isang lalaki na umano’y miyembro ng “Jomar Serrano” gun-for-hire at drug syndicate ang nasawi matapos makipagbarilan sa mga pulis, habang 11 katao naman ang kusang sumuko sa drug operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Sa report ni District Special Operation Unit (DSOU) head Police Supt. Ali Jose Duterte kay Northern Police District (NPD) Director Police Chief Supt. Roberto Fajardo, dead on the spot ang suspek na kinilala sa alyas na “Albert”, tinatayang nasa edad 30-35.

Pinosasan naman ang kanyang mga kasama na sina Emmanuel Licuanan, 45 ng Block 9, Pama Sawata Street, Barangay 28; Shindy Ozawa, 26; Myrna Centebo, 47; Robin Intal, 54; Ryan Labayo, 28; Kenneth Cayetano, 30 at limang menor de edad na lalaki.

Ayon kay Supt. Duterte, bandang 7:20 ng gabi, isinagawa nila ang “Oplan Sita” at “Oplan Galugad”, sa Pama Sawata St., Bgy. 28, Caloocan City.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Isang pulis ang tumayong poseur buyer ngunit nang makalahata si Albert na pulis ang kanyang kausap, siya’y kumaripas at pinaputukan ang grupo ni Duterte.

Dito na pinaputukan ng mga pulis ang suspek na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Sumuko naman nang matiwasay ang kanyang mga kasamahan. (Orly L. Barcala)