Makikipagpulong sa mga employer ang Social Security System (SSS) upang talakayin ang posibleng pagbabago ng share of contributions ng mga ito para sa kanilang mga manggagawa kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P2,000 pension increase.

Sinabi ni SSS Chairman Amado Valdez na ang pension adjustment ay mapopondohan sa pamamagitan ng P1.5 contribution rate adjustment na magreresulta sa pagtaas nito ng 12.5 porsiyento mula sa dating 11 porsiyento na ipatutupad na sa Mayo ngayong taon.

Aniya, sa kasalukuyang sistema, papasanin ng mga employer ang 70 porsiyento ng kabuuang kontribusyon, habang ang mga manggagawa nito ay sasalo sa maiiwang 30 porsiyento.

“There were other increases in the contribution which did not follow the 30:70 ratio, but we are discussing this because we also want to see how the employer reacts to this. It could be 70:30 or 60:40 depending on feedback from the employers,” pagdidiin ni Valdez.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nauna nang inihayag ni Employers Confederation of the Philippines (Ecop) Chairman emeritus Donald Dee na ang anumang paggalaw sa kontribusyon ay idadaan sa masusing pag-aaral. (Rommel P. Tabbad)