Iniutos ng Office of the Ombudsman ang paghahain ng kasong kriminal sa Sandiganbayan laban sa 23 dati at kasalukuyang matataas na opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa diumano’y ilegal at unnecessary hiring ng 39 consultant noong 2010, 2011 at 2012.

Sa hiwalay na administrative case, iniutos din ng Ombudsman ang pagsibak sa mga nasa serbisyo pa rin, pagbawi sa kanilang retirement benefits at permanent disqualification sa paghawal sa anumang puwesto sa gobyerno sa hinaharap ng lahat ng mga sangkot sa anomalya.

Binalewala ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, sa 27-pahinang resolusyon ang pahayag ng mga respondent na kinuha ang mga consultant para sa highly technical at confidential services.

Kabilang sa mga pinakakasuhan sina dating MWSS Administrators Gerardo Esquivel at Diosdado Allado, Senior Deputy Administrator Nathaniel Santos, Senior Deputy Administrator Macra Cruz, Deputy Administrator Zoilo Andin Jr., Deputy Administrator Leonor Cleofas, Corporate Finance Service Head Virgilio Matel, Corporate Finance Service Head Jocelyn Toledo, Department Manager Estrellito Polloso at Department Manager Darlina Uy. Kasama rin sa reklamong inihain ng MWSS Labor Association ang mga miyembro ng board of trustees na sina Ramon Alikpala, Oscar Garcia, Ferdinand Mahusay, Aurora Arnaez, Virgilio Angelo, Santiago Gabionza, Jr., Albert Balingit, Raoul Creencia, Cecilia Soriano, Benjamin Tambao, Emmanuel Caparas, Hermogenes Fernando at Jose Ramon Villarin. (Jun Ramirez)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'