LISBON (AFP ) – Pumanaw na si Mario Soares, ang dating pangulo ng Portugal at itinuturing na ama ng modernong demokrasya ng bansa, noong Sabado sa edad na 92.

Tagapagtatag ng Socialist party ng Portugal, iginugol ni Soares ang ilang dekada sa politika at pinamunuan ang pagpasok ng bansa sa European Union. Naging pangulo siya mula 1986 hanggang 1996 matapos magsilbing foreign minister at prime minister, at kalaunan ay naging European lawmaker.

Nagdeklara ang Portugal ng tatlong araw na pagluluksa mula Lunes at gaganapin ang kanyang state funeral sa Martes.

Ipinasok si Soares sa ospital sa Lisbon noong Disyembre 13, na-comatose siya at hindi na gumising. Hindi binanggit ng ospital ang eksaktong dahilan ng kanyang kamatayan.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa