Tatangkain ni Pinoy boxer Jonathan Refugio na mag-uwi ng karangalan sa pagsabak sa Hapones na si Seita Ogido bukas para sa bakanteng WBC Youth light flyweight title sa City Gym, Tomiqusuku, Okinawa, Japan.

Ito ang ikalawang pagkakataon na magtatangka si Refugio na mag-uwi ng WBC Youth title matapos siyang matalo sa puntos ni Thammanoon Niyomtrong noong 2014 para sa minimumweight crown sa sagupaan sa Bangkok, Thailand.

Taglay ni Refugio ang kartadang 16-5-4, kabilang ang apat na knockouts samantalang si Ogido ay may record na 11-2-1 win-loss-draw na may 3 pagwawagi sa knockouts.

Sa undercard na laban, makakasagupa ni dating WBO Asia Pacific Youth flyweight champion Jake Bornea ng Pilipinas si dating world rank Go Onaga ng Japan samantalang kakasa si ex-Philippine Boxing Federation bantamweight titlist Rey Las Piñas kay Japanese Masatoshi Kotani sa 8-round bouts. (Gilbert Espeña)

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!