Tatangkain ng walang talong Pinoy boxer na si Melvin Jerusalem na maging kampeong pandaigdig sa paghamon kay WBC minimumweight titleholder Wanheng Menayothin sa Enero 25, sa Bangkok, Thailand.

Nakalistang No. 9 contender sa WBC, tinanggap ni Jerusalem ang laban sa beterano at matagal nang kampeon ng WBC na umiwas labanan ang retirado na si one-time world title challenger Denver Cuello.

“It will definitely be a tough fight for Melvin but it is a once in a lifetime chance to fight for a world title,” sabi ni ALA Promotions president Michael Aldeguer sa Philboxing.com hinggil sa kanyang 22-anyos na boksingero.

“It came at the right time as we had plans for him supposedly in January.”

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

May kartadang 11 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockout si Jerusalem na pinakamalaking kredito ang pagwawagi sa puntos kay dating IBF minimumweight titlist Florante Condes noong Pebrero 27, 2016 sa Cebu City.

Huli siyang lumaban noong nakaraang Nobyembre 26 sa Cebu Coliseum kung saan tinalo niya sa puntos ang beteranong si Fabio Marfa at lubos siyang nagsasanay sa ilalim ni dating world rated Michael Domingo na isa nang trainer ngayon.

Mahirap kalaban si Menayothin na kahit edad 31-anyos na ay may perpektong record na 44 panalo, 17 sa pamamagitan ng knockout at naging kampeon noong 2014. Kabilang sa mga Pilipinong nabiktima ni Menayothin sa mga depensa ng WBC title sina Jeffrey Galero at Jerry Tomongdan pero lahat ng laban niya ay ginanap sa Thailand.

Naniniwala naman si Domingo na may pag-asa si Jerusalem na ma-upset ang Thai champion sa pamamagitan ng knockout pero malabo sa puntos dahil kilala ang Thailand sa hometown decisions.

“He has a big chance. I have seen his opponent. He is not strong, we have an advantage in power. He has the advantage in experience but they have similar styles,” sabi ni Domingo. “We all know that if it goes the distance we will have a hard time winning. Melvin has power. He needs to dominate the opponent. Our chance is a knockout.” (Gilbert Espeña)